Ngayong tapos na ang botohan, nanawagan si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa lahat ng kandidato na alisin na ang kanilang mga campaign material.

Ayon kay Guanzon, ginastusan ng mga kandidato ang pagpapakabit ng kanilang mga materyales sa kampanya kaya dapat daw ay gastusan din nila ang pagbabaklas ng mga ito.

Hiling pa ni Guanzon, itapon sana ng mga kandidato ang campaign materials nila sa tamang lugar o kaya ay i-recycle ang mga ito gaya ng pag-donate sa mga walang bubong na bahay.

Sabi pa ng opisyal, bad manners daw ang hindi pagtanggal ng campaign materials dahil nagkakalat daw ang mga kandidato ng basura. —Tina Panganiban-Perez/KBK/FRJ, GMA News