Isang mananaya ang biglang yaman matapos niyang solong tamaan ang winning combination sa lotto 6/42 draw nitong Martes ng gabi, Mayo , 21, 2019.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na 19-34-25-01-04-13.

Umaabot ang premyo nito sa halagang P107,289,200.80

Samantala, wala namang nanalo sa 6/49 draw na may winning combination  na 28-15-23-44-05-46, at mahigit P15 milyon ang premyo.-- FRJ, GMA News