Nahuli-cam ang pananabang sa isang 63-anyos na kagawad ng Barangay 131, Zone 11 sa Balut, Tondo noong Martes ng umaga.

Sa kuha ng CCTV, makikitang biglang nilapitan ng isang itim na SUV si Ernesto Sibug bago siya pinagbabaril ng sakay nito.

Ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkoles, dead on arrival na umano si Sibug nang dahin siya sa Tondo Medical Center. —Margaret Claire Layug/LBG, GMA News