Isang bangkay na naaagnas na at hindi na makilala ang natagpuan nitong weekend malapit sa Ilog Pasig, ayon sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Lunes.

Ayon sa tantiya ng mga opisyal ng barangay, nasa isang buwan nang inaagnas ang katawan kaya naman halos kalansay na lamang ito.

Itinawag sa mga opisyal ng barangay ang impormasyon nitong Linggo nang hapon matapos makita ito ng mga nakasakay sa dumadaan na barge o bangka malapit sa Ilog Pasig.

Bukod sa damit, kwintas, at relo na suot ng bangkay, wala nang ibang gamit na magkatutulong sa kanyang pagkakakilanlan.

Sasailalim sa autopsy ang bangkay para malaman ang sanhi ng  kanyang pagkamatay at kanyang pagkakakilanlan. —Joviland Rita/KBK, GMA News