Pinabulaanan ni Senador Panfilo Lacson na naghahanda na siya sa posibleng pagtakbo sa 2022 presidential elections. Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng mga puna sa pagigigng aktibo niya sa social media at ilang deklarasyon na hindi naaayon sa kasalukuyang administrasyon.

“To those accusing me of posturing for 2022, I am not. I am just myself- mostly serious, sometimes funny, naughty, controversial, dull, boring,” Sabi ni Lacson sa kaniyang Twitter post.

Paliwanag pa ng senador, ginagamit niya ang Twitter para mag-isip, mag-fact check, mag-Google, at matuto pa.

Sa nakalipas na mga araw, nadagdagan ng 23,000 ang followers ni Lacson sa Twitter. Nagsimula ang kaniyang account noong Perbrero 2015. Karamihan sa kaniyang post ay may kaugnayan sa iba't ibang usapin.

 

 


Nitong nakaraang Sabado, nagbigay ng payo si Lacson kung papaano haharapin ang mga basher.

“Insult him back hard enough. Give him what he deserves. Kill him by natural cause, or make his blood boil to suffer a stroke. Never mind if you're dealing with a troll. For all you know, you're hitting a real person,” saad ng senador.

 

 

Dahil sa pagiging aktibo niya sa social media— na ang ilang komento ay hindi naaayon sa posisyon ng pamahalaan, may ilang netizen ang naghihinala na pumoporma na si Lacson sa 2022 elections. May ilan din naghihikayat sa kaniyang na tumakbong susunod na pangulo ng bansa.

Kamakailan lang, nagpahayag ng pagtutol si Lacson na mungkahi ng China na joint investigation sa Pilipinas kaugnay sa nangyaring banggaan sa Recto Bank.

 

 


Nauna nang sinabi ni Lacson na posible lang siyang tumakbong pangulo sa 2022 kung makikita niya na may pag-asa siyang manalo.

READ: Lacson says he has one requirement before agreeing to seek presidency again

Noong 2004 elections, tumakbong senador si Lacson pero natalo kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. — FRJ, GMA News