Arestado ang Provincial Director ng Technical Education and Skills Development Authority [Tesda] matapos mahulihan ng mga pampasabog sa kaniyang bahay sa Isabela City, Basilan.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, kinilala ang naarestong suspek na si Muida Hataman.

Nakita umano ng mga operatiba ng CIDG-Region 9 kaninang umaga ang mga pampasabog umano at mga bala sa bahay ni Hataman.

Dagdag ng mga awtoridad, si Hataman ay isa umano sa mga asawa ni Abu Sayyaf commander Radzmir Janatul.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Hataman. --FRJ, GMA News