Nasampulan nitong Biyernes ng umaga ang aabot sa 20 na vendors na sumuway sa bagong patakaran ng Maynila sa pagtitinda sa bangketa.

Hinuli ang nasabing vendors dahil lagpas na ng ala-sais ng umaga ay nagbebenta pa rin sila lapas-lagpas sa itinakdang oras.

Kung dati ay kahit lagpas na ng 6 a.m., nakapagtitinda pa sila, ngayon ay hindi na.

Nakumpiska ang mga paninida ng 20 na vendors sa pagronda ng mga tauhan ng Manila City Hall.

Ngunit, ayon sa mga taga-city hall, makukuha pa naman daw ang mga paninda basta magpakita ang mga kaukulang papeles at mangakong hindi na sila uulit.

Umaalma naman ang ilang tindero dahil apektado na raw ang kanilang hanapbuhay dahil sa mas maikling oras ng kanilang pagtitinda.  —LBG, GMA News