Nasolo ng isang mananaya ang mahigit P113M jackpot prize sa lotto 6/45 draw nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 17.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na 11-45-08-43-25-33.

 


Umabot ang kabuuan nitong premyo sa halagang P113,065,050.00.

Samantala, wala namang nanalo sa 6/55 draw na may winning combination  na 20-08-07-34-32-06, at mahigit P53 milyon ang premyo.-- FRJ, GMA News