Patay ang isang babaeng pasahero ng jeep matapos mabangga ito sa isang closed van sa Quezon City nitong Sabado ng umaga, ayon sa ulat sa Balitanghali ng GMA News.

Nangyari ang aksidente sa kanto ng Timog Avenue at Scout Tobias Street.

Walong iba pa ang isinugod sa ospital.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, galing ang jeep sa Quezon Avenue at binabaybay ang Timog Avenue nang mahagip ng closed van na galing ng Scout Tobias Street.

Giit ng driver ng van, hindi kumagat ang preno ng kanyang minamaneho.

Handa rin daw siyang harapin ang kaso at sagutin ang pagpapagamot ng mga nasaktan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —KG, GMA News