Halos maluha sa sama ng loob ang 76-anyos na si Remedios Gimena sa tangka umanong paglason sa kanya ng sariling kasambahay gamit ang napthalene balls.

Ayon sa ulat ni OScar Oida sa 24 Oras nitong Martes, Biyernes daw noong mapansin ng matanda na tila may kakaiba sa iniinom niyang food supplement.

"Grabe na 'yung lasa at naamoy ko na. Sabi ko, napthalene... Hindi ko mapapatawad 'yung ginawa mo kasi buhay ko ang nakataya doon. Ang dami ko nang sakit," ayon kay Gimena.

Nang suriin, nakakita raw siya ng tatlong naptalina o moth balls mula sa bote.

"Kinalog ko, may kumakalansing. Binuhos ko sa baso, nakita ko naptalina sa baso," pahayag ng biktima.

Nakumpirma rin 'yan sa lumabas na resulta ng kanyang medical certificate.

Ang itinuturong nasa likod ng panlalason, ang kasambahay nilang si Garnet Gallardo.

Nakilala raw ng biktima sa social media at tatlong linggo pa lang namamasukan sa kanya.

Nakakulong na ngayon si Gallardo pero mariin niyang itinanggi ang alegasyon.

"Hindi naman ako mamatay tao. Cut to hindi po ako naglagay nu'n finrame up lang po ako," Gallardo

Taliwas diyan ang blotter ng barangay na nagsasabing umamin na si Gallardo sa panlalason sa kanyang amo.

Paalala ng United Domestic Workers in the Philippines, kumuha lang ng kasambahay sa mga accredited agency.

"Ang pinaka-lesson doon kailangan talaga may documents saka mas mganda 'yung ni-refer sa'yo," sabi ni Gimena. — MDM, GMA News