Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang babae matapos niyang suntukin ang isang tourist police sa Las Piñas.

Ayon sa ulat ni Ian Cruz sa "24 Oras", nakainom raw ang babaeng customer sa isang restaurant nang bigla itong magsisigaw.

Patuloy pa rin ang kanyang galit at napag buntunan ang mga miyembro ng Las Piñas police na dumating sa lugar matapos mag-report ng staff.

"Nasa gitna sana kami para maayos yung ano. Eh, kaso nasuntok nga ako ni ma'am," sabi ni Patrolman John Rudolf Adapon.

Bakit daw niya sinapak ang pulis?

"Sa korte na lang please," sabi ng inarestong babae.

Nahaharap siya sa reklamong disobedience, direct assaught upon person in authority, oral defamation at alarm and scandal. —NB, GMA News