Sa programang Stand For Truth, ipinasilip ang kuwento sa likod ng viral na photo ng isang tatay na dala-dala ang kaniyang anak na may cerebral palsy habang nagbebenta siya ng empanada.

Siya si Tatay Johnny Dosal, na kailangang laging isama ang anak na si JB dahil walang mag-aalaga.

Tatlong beses na aniya silang nasunugan sa dati nilang tinitirahan, at wheelchair lamang ni JB ang kanilang naisalba.

Panoorin kung paano kinakaya ni Tatay Johnny at asawang si Babylyn ang anak nilang may kapansanan.

—Jamil Santos/LBG, GMA News