Nasunog ang isang gusali sa Saint Paul university sa Aurora Boulevard sa Quezon City.

Sa ulat ng "Unang Hirit" nitong Miyerkules ng umaga, itinaas sa unang alarma ang sunog na nagsimula alas-singko ng hapon noong Martes.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at mabilis na naapula ang sunog na tumagal ng mahigit 20 minuto.

Wala namang nasaktan sa sunog. Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy. —LBG, GMA News