Nagbitiw na si Yeng Guiao bilang coach ng Gilas Pilipinas makaraang walang naipanalong laro ang koponan sa FIBA World Cup, na ginanap sa China.

Ang naturang pagbibitiw ni Guiao ay makikita sa Facebook page ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

"In the light of all these developments, I am stepping down, as of today, as the Head Coach of the Gilas Men’s Basketball Team, in order to give the SBP a free hand in building and developing a program towards achieving our objective of competing with the best of the best," saad ni Guiao sa pahayag.

"I am truly grateful for the opportunity to serve our country through the sport we love most. Para sa bayan," dagdag niya.

Nakasama at nakalaban ng Pilipinas sa Group D ang koponan ng Serbia, Italy, at Angola.

Sa classification phase naman ng torneo kung saan pinili ang mga maglalaro sa Olympics, nakaharap naman ng Pilipinas ang Iran at Tunisia. --FRJ, GMA News