Mahigit P3 milyong halaga ng shabu na itinago sa lalagyan ng tsaa ang nasabat sa Taguig City, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Huwebes.

Dalawang suspek naman na magka-kompetisyon daw sa pagbebenta ng iligal na droga ang arestado sa operasyong isinagawa nitong Miyerkoles nang gabi.

Kinilala ang dalawang suspek na si Aijo Dinglasan at Christian Aguilar, na kapwa miyembro daw ng "local drug groups," ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

"There are a lot of local drug groups that are involved in the distribution of illegal substance," ayon kay Deputy Director General Gregorio Ramos-Pimentel, OIC ng PDEA sa National Capital Region. —KBK, GMA News