Pansamantalang itinigil ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbati sa kanyang constituents habang nagpe-Facebook live nang maramdaman niya ang lindol nitong Biyernes ng hapon.

Tila napabalikwas pa ang alkalde nang maramdaman ang lindol na ang epicenter ay sa Burdeos, Quezon. Magnitude 5.3 ito ayon sa PHIVOLCS.

"Lumilindol! Ang lakas, o," sabi ni Moreno. "Nahihilo ako, e. Ang lakas. Tingnan mo 'yung ano. Ang lakas!"

Makikita ang pagkagulat ng alkalde matapos lumagpas sa 2:00:00 mark ang video.

Naramdaman ang Intensity III sa Quezon City at Tagaytay, ayon sa PHIVOLCS. —NB, GMA News