Isang nag-AWOL na pulis ang inaresto ng CIDG Compostela Valley Provincial Field Unit matapos siyang ireklamo ng panggagahasa ng kapatid ng kanyang asawa.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil sa "24 Oras", tensyonado ang mga tagpo habang inaaresto at pinoposasan ang pulis na suspek.

Noong nakaraang taon daw nangyari ang krimen.

"Nag-awol po siya dahil sa kaso na 'yun," sabi ng imbestigador. —NB, GMA News