Kinagigiliwan ang diskarte ng isang anim na taong gulang na lalaki para hindi niya gaanong indahin ang sakit ng pagbabakuna, na napakanta ng "I love you baby...' habang iniineksyunan sa Labrador, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA News "Balitanghali Weekend" nitong Sabado, sinabing nagsasagawa noon ng pagbabakuna kontra tigdas sa kanilang mga estudyante ang Dulig Elementary School.

Makikita sa video na kuha ng gurong si Donnalyn Orjalo Laguidao ang pagkanta ng bata ng "I love you baby..." para maalis ang kaba at sakit, na lyrics ng classic na "Can't Take My Eyes Off You."

Panay man ang kaniyang pag-iyak at pagsigaw, mahigpit naman ang yakap niya sa kaniyang magulang.

Dahil sa nakatutuwa niyang diskarte kontra sakit, napapa-"I Love You Baby..." na lang din ang mga netizens. — Jamil Santos/DVM, GMA News