Isang 80-anyos na na lolo ang namatay sa pananambang sa Badoc, Ilocos Norte.

Ayon sa ulat sa "Quick Response Team", sinundo raw ng rider na si Ruffo Polendey and kanyang kinakasama nang siya ay tinambangan.

Pagdating ni Polendey sa isang madilim na bahagi ng Barangay Lubigan, siya ay biglaang binaril sa ulo ng isa ring naka-motorsiklong salarin.

Hindi nakatamo ng sugat ang kanyang angkas.

Inaalam pa ng mga autoridad kung mayroong kaugnayan ang krimen sa dating aksidenteng kinasangkutan ni Polendey. —Joahna Lei Casilao/NB, GMA News