Nabisto ng mga pulis ang isang indoor na taniman ng marijuana sa San Juan City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes ng umaga, sinabing natuklasan ng mga tauhan ng San Juan Police ang taniman sa loob ng isang gusali sa Barangay Batis.

Itinimbre umano sa mga awtoridad ng isang tenant ng gusali ang taniman ng marijuana.

Bukod sa mga tanim na marijuana, nasabat din ang mga dried marijuana at iba pang drug paraphernalia.

Inaalam pa ang halaga ng mga nakumpiskang marijuana at kung sino ang may-ari nito. —LBG, GMA News