Aabot sa 20 katao kabilang ang anim na senior citizens ang arestado dahil sa iligal na sugalan sa loob ng isang compound sa Maynila, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Lunes.

Nilusob ng Sampaloc Police ang compound sa Geronimo Street sa Barangayy 432 sa Maynila matapos makatanggap ng sumbong na may iligal na sugalan sa lugar

Sa cellphone video na ito na ipinadala sa mga pulis, kita ang tatlong grupo ng mga tao na nagsusugal umano

May tindahan daw sa loob ng compound kaya laging bukas ang gate sa kahit sino, pero hirap daw ang may-ari ng tindahan at compound na paalisin ang mga nagsusugal.

Sa anim na naarestong senior citizens, pinakamatanda si Lolo Anatalio Abad na may edad 82 years old. Aniya, nanunuod lang siya ng mga nagsusugal.

Multang aabot sa P6,000 o kulong na hindi bababa sa anim na buwan ang parusa sa mga naaresto.

Ang mga may edad nang nahuli, ililipat ng ibang kulungan dahil siksikan na ang detention cell ng Sampaloc Police. —KBK, GMA News