Arestado ang isang Chinese national sa isang buy-bust operation sa Quezon Memorial Circle, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), matagal nang minamanmanan ang Chinese national na si Hong Bo Hee.

Tinatayang aabot sa 15 kilo na nagkakahalaga ng mahigit P100 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat kay Hong.

Hinala ng PDEA, mula pa sa mainland China ang mga nasabat na droga na binibenta ng isang malaking sindikato rito sa bansa. —KBK, GMA News