Tinupok ng apoy ang mga kuwarto sa isang bahay sa Brgy. San Martin de Porres, Quezon City, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes.

Sa gitna ng pag-apula sa sunog, isang lalaki at nang-agaw ng hose at nanuntok pa.

Sa kuha ng isang cellphone video, kita na umakyat ang isang lalaki para tumulong sana sa pag-apula ng sunog sa ikalawang palapag ng nasabing bahay.

Maya-maya, bigla niyang inagaw ang hose at sinuntok ang isa pang lalaking may hawak nito na napatumba sa bubong. Dahil dito, pinagtulungan ng ilang residente ang nanuntok na lalaki.

Agad na ibinaba ang lalaki para hindi na makuyog pa. —KBK, GMA News