Arestado sa Pasay City ang dating battle rapper na si Andy G matapos mahulihan ng shabu, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, nahulihan si Andy G — o Andy Jamolin sa totoong buhay — ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Ikinasa ng pulisya ang operasyon sa Malibay matapos daw makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen tungkol sa "illegal drug activities" sa lugar.

Arestado rin ang pinagkuhanan umano ng item ni Andy G na si Joseph de Vera. Dalawang sachet ng umano'y shabu ang nakuha naman sa kanya.

Tumangging magbigay ng pahayag si Andy G, na nahaharap sa reklamong possesion of illegal drugs. —KBK, GMA News