Nag-viral ang litrato ng aso na ibiniyahe mula Maynila papuntang Masbate habang nasa compartment ng bus, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Ayaw daw kasi itong isakay sa loob ng bus dahil may mga pasaherong maselan sa amoy at balahibo ng alagang aso, kaya sa ibabang compartment inilagay ang aso.

Giit ng driver at konduktor, safe naman ang aso roon.

Pero sabi ng isang motorista, tahol nang tahol ang aso at tila hinihingal dahil mainit sa compartment.

Ligtas namang nakarating sa Masbate ang aso.

Tumangging magbigay ng pahayag ang may-ari ng aso.

Ayon sa dispatcher, hindi talaga pinapayagan ang mga alagang hayop na ipasok sa bus.

Iniimbestigahan na 'yan ng pamunuan ng Raymond Bus Transportation. —KBK, GMA News