Arestado ang isang babae matapos mahulihan ng shabu na itinago sa 'hotsilog' food pack or kanin, hotdog at itlog sa Fairview Police Station pasado alas tres ng madaling araw.

 

 

 

Dumating daw sa police station si Camie Olaguer para dalawin sana ang kanyang kaibigan na isang linggo na nakakulong.

Dahil dumating siya nang hindi pa visiting hours, hindi siya pinayagan.

Pero nakiusap siyang iabot ang hotsilog sa jailer.

Nagkataon na pabaliktad nabuksan ng jailer ang hotsilog — tumambad ang limang sachet ng umano’y shabu.

Depensa ng suspek, hindi niya alam na may lamang droga ang hotsilog.

Inutusan lang daw siya ng kaanak ng nakakulong na iabot ito sabay pangako na bibigyan siya ng pera.

Ang pagbibigyan ng pagkain, may kaso ring may kinalaman sa droga.

Mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. — BAP, GMA News