Kapag nakakita ka ba ng asong gala, lalapitan mo? Ang isang gasoline boy, hindi lang nilapitan, pinaliguan pa, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ayon kay YouScooper Lauri Angelo Labadnoy, lagi niyang nakikitang nakatambay sa gasolinahan ang aspin.

Hanggang sa isang araw, natuwa siya nang makitang pinaliliguan na ito ng gasoline boy.

Kinuhanan niya ito ng video saka in-upload sa social media na pinusuan ng mga netizen.

Hashtag faith in humanity restored! —KBK, GMA News