Arestado ang isang lalaki na nagnakaw ng mahigit P2 milyon mula sa pinapasukan niyang manpower agency sa Sampaloc, Maynila, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Kinilala ang inaresto na si ArvinJohn Bravo Constatino, storage clerk ng naturang kumpaniya.

Base sa paunang imbestigasyon, winasak ng suspek ang pintuan ng opisina at dumiretso sa cabinet kung saan nakatago ang pera.

Bigo naman ang mga pulis na marekober ang kabuuang halaga.

Mahigit Papatnaraang libong piso na lang ang nabawi. Ginastos na kasi ng suspek ang pera. Nahaharap siya ngayon sa kasong qualified theft. —KBK, GMA News