Sinabi nitong Miyerkoles ni Trade Secretary Ramon Lopez na mababa na ang presyo ng regular-milled rice sa mga pamilihan.

Ayon kay Lopez, nasa P32 hanggang 34 kada kilo na raw ang presyo nito.

May nakita pa nga raw siyang P28.

Ayon pa rin kay Lopez, masaya na siya sa mga ganitong presyo dahil may mapagpipilian na ang mga mamimili.

Ang imported na well-milled rice naman, dapat daw ay nasa P33 hanggang 36 kada kilo bagamat may mga nagbebenta pa raw ng P37 hanggang 38.

Pinapayagan ng pamahalaan ang patong ng mga retailer na 5 to 10% sa presyo ng imported. — Tina Panganiban-Perez/RSJ, GMA News