Malapit nang magtapos ng bachelor's degree ang isang batang lalaking 9-taong gulang sa The Netherlands!

Ayon sa ulat ng "Unang Hirit" nitong Biyernes, kapag naka-graduate sa kanyang kursong electrical engineering sa susunod na buwan, ang Belgian boy na si Laurent Simons na ang pinakabatang university graduate sa buong mundo.

Matatapos niya ang 3-year bachelor program sa loob lang ng siyam na buwan.

Ang kaniyang IQ ay nasa 145.

Kasalukuyan niyang dine-develop ang isang computer circuit na puwedeng pumalit sa isang parte ng utak ng tao. —KBK, GMA News