Sa programang "Stand For Truth," tinalakay ang pagkain ng karne ng rabbit, na sinasabing mataas sa protina at mas mababa ang cholesterol.

Isang food stall sa Mandaue City, Cebu ang naghahain ng mga putaheng gawa sa karne ng rabbit gaya ng sisig, roast, lumpia, kaldereta at bola-bola.

Ayon sa may-ari nitong si Daryl Garcia, hamon sa kanila na ipaalam sa publiko ang pagkain ng rabbit dahil "taboo" pa ito sa Pilipinas. Kaya naman mayroon silang nutritional facts tungkol sa rabbit na nakapaskil sa kanilang stall.

Lingid sa kaalaman ng lahat, sinusuportahan ng lokal at pambansang pamahalaan ang pagkain ng rabbit, tulad ng Department of Agriculture na hinihimok ang mga magsasaka na magsimula nang mag-rabbit farming dahil low-cost ito at madaling paramihin ang naturang hayop. --Jamil Santos/FRJ, GMA News