Dumating na sa bansa nitong Martes ang bagong ambassador ng China sa Pilipinas na si Huang Xilian.

Sinalubong siya sa Ninoy Aquino International Airport ala-una ng madaling araw ng mga opisyal ng ilang Filipino-Chinese communities.

Sa kanyang maikling mensahe sa harap ng media, sinabi ni Huang na titiyakin niyang matutupad ang mga kasunduang pinirmahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping para mapakinabangan ng mga Pinoy at Chinese.

 

Bagong Chinese Ambassador na si Huang Xilian dumating na sa Pilipinas nitong Martes, Disyembre 3, 2019. Photo courtesy: Chinese Embassy

 

Itataguyod din daw niya ang friendship ng dalawang bansa.

Masuwerte raw siya dahil siya ang napiling bagong ambassador ng China para sa Pilipinas.

Itinuturing daw niyang magkamag-anak ang China at Pilipinas sa maraming aspeto kabilang na ang kultura. —KG, GMA News