Libu-libo ang lumahok sa Million Volunteer Run ng Philippine Red Cross (PRC) sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Linggo ng umaga.

Sabay-sabay munang nag-warm-up ang mga kalahok kasama ang ilang artista.

Ayon kay PRC secretary-general Elizabeth Zavallo, layon ng Million Volunteer Run na makalikom ng pondo pambili ng mga life-saving equipment tulad ng fire truck, ambulansiya, boats at iba pang rescue vehicles.

 

 

Sabay na nag-fun run ang higit 100 chapter ng PRC sa buong bansa puwera na lang ang mga nasa lugar na sinalanta ng bagyo at lindol.

 

Some 30,000 Philippine Red Cross volunteers joined the group's Million Volunteer Run held on Sunday, Dec. 8, 2019, at the Quirino Grandstand in Manila. The run was staged simultaneously in 78 cities of the Philippines to raise funds to help the most vulnerable affected by disasters and emergencies. Danny Pata

 

Hindi nakadalo si Senator Richard Gordon na chairman at CEO ng PRC dahil ito'y nasa Geneva.

Nagpadala naman ng video message si Gordon at nagpasalamat siya sa mga dumalo sa ikalimang taon ng fun run. —KG, GMA News