Para sa kaligtasan umano ng pasahero at rider, kailangan na ngayong ipaalam ng kukuha ng serbisyo ng ride-hailing firm na Angkas ang kanilang timbang.

Sa kanilang mobile app, tinatanong na ngayon ng Angkas ang “weight range” ng pasahero.

 

 

 

“Government guidelines on motorcycle safety requires us to ensure small bikers with small bikes are not paired with passengers they may not able to ferry,” paliwanag ng Angkas.

 

Angkas now asks for your weight.
Angkas now asks for your weight.

 

 

Dahil dito, sabi pa ng kompanya, “Heavy passengers may be denied.”

Kung matanggihan man ang pasahero, iginiit ng Angkas na para ito sa kaligtasan ng pasahero at rider.

 

 

“We don’t judge,” paglilinaw ng Angkas.--FRJ, GMA News