Naka-quarantine sa ospital sa Kalibo, Aklan ang tatlong Chinese na nakitaan ng sintomas ng bagong uri ng coronavirus na unang kumalat sa China.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing nilalagnat daw ang mga dayuhan na magkakahiwalay na dumating sa paliparan ng Aklan kanina at nitong Biyernes.

Kinuhanan ng specimens ang mga pasyente at ipinadala ang mga ito sa Research Institute for Tropical Medicines para masuri.

Isa sa mga pasyente at 65-anyos na patungo raw sa Boracay ay mayroon lagnat.

Sa isang ulat ng Reuters, sinabing mula sa China, nagkaroon na rin ng kaso ng naturang virus sa Japan, Thailand at maging sa South Korea.

READ: Misteryosong virus mula sa China, nakarating na rin sa South Korea

Ang pasyente na nakitaan ng sintomas ng virus ng sa South Korea, sinabing bukod sa lagnat ay nanlalamig din daw ito at masakit ang kalamnan.

Tatlo na ang iniulat na nasawi sa China dahil sa naturang virus.—FRJ, GMA News