Arestado ang dalawang babaeng Thai sa buy-bust operation sa Pasay City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Aabot sa P23 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa mga suspek na sina Narumon Sukkato at Kanokrat Jampangoen.

Ayon kay Jampangoen, inutusan sila ng kaibigan nila sa Thailand na makipagkita sa isang babae dito sa Pilipinas at ibenta ang laman ng isang backpack. Hindi raw nila alam noong una na droga pala ang laman ng backpack.

Napilitan na lang daw silang sundin ang kanilang kaibigan dahil wala silang pamasahe pauwi ng Thailand.

Wala namang pahayag si Sukkato. —KBK, GMA News