Dalawang bangkay na kapwa may tama ng mga bala ang nakita sa gilid ng kalsada sa Taguig, ayon sa ulat ni Vonne Aquino sa Unang Balita nitong Biyernes.

Natagpuan ang dalawang bangkay — isang lalaki at isang babae — sa bangketa ng C5 Road bandang 1 a.m. Isang motorcycle rider daw ang nag-report nito sa otoridad.

Kuwento ng isang residente sa lugar, nakarinig sila ng mga putok ng baril pero hindi nila nakita kung sinong may gawa nito.

Tatlong basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima. —KBK, GMA News