Isang pampasaherong jeepney na papuntang Antipolo City, Rizal ang tumagilid sa Marcos Highway sa Marikina City nitong Linggo ng umaga.

Sugatan ang ilang pasahero nito, ayon sa ulat ni Manny Vargas sa Dobol B sa News TV.

 

 

 

Isinugod na ang 12 na pasahero na nagtamo ng mga sugat at untog sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.

Nagdulot ng trapik sa lugar ang aksidente.

Sumadsad ang jeepney ng 50 meters bago ito huminto.

Wala namang tumilapon na sakay o nabanggang ibang sasakyan.

Ayon sa isang pasahero, nakipagkarerahan ang driver ng jeep sa isang sasakyan bago nangyari ang aksidente.

 

 

Naroon na sa lugar ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority at Marikina Rescue 161.

Nilinis na ang nagkalat na krudo at debris galing sa aksidente.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng jeep. â€”KG, GMA News