Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng salaring naka-motorsiklo sa Quezon City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nakatayo lang daw sa kalsada ang biktimang si Lauriano Bardahe nang bigla siyang barilin. Sapul sa ulo ang biktima na kanyang ikinamatay.

Hindi namukhaan ang salarin na naka-helmet at face mask.

Kuwento ng asawa ng biktima, may nanutok na noon ng baril kay Bardahe sa hindi malamang dahilan.

Iniimbestigahan na 'yan ng mga awtoridad. —KBK, GMA News