Sampu ang nadagdag na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City nitong Miyerkules. Dahil dito, umakyat na sa 72 ang positibong kaso ng nakahahawang virus sa lungsod.

Sa 11 a.m. bulletin, inihayag ng Quezon City Health Department, sinabing apat na pasyente naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na umakyat na sa sampu.

Pito naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling na nadagdagan ng isa.

Ang 10 bagong pasyente ay mula sa mga sumusunod na barangay as of March 24, 2020 at 7 p.m.:

District 1:
- Brgy. Lourdes - 1 patient

District 3:
- Brgy. West Kamias - 1 patient
- Brgy. Matandang Balara - 1 patient

District 4:
- Brgy. Bagong Lipunan sa Crame - 2 patients
- Brgy. South Triangle - 1 patient
- Brgy. Paligsahan - 1 patient

District 6:
- Brgy. Culiat - 2 patients
- Brgy. Sauyo - 1 patient

Nagpatupad na ang Quezon City extreme enhanced community quarantine sa mga sumusunod na barangays as of March 24, 2020, 7 p.m.:

- Tandang Sora
- Kalusugan
- Ramon Magsaysay
- Maharlika
- Tatalon
- Batasan Hills
- Pasong Tamo
- Central
- San Roque
- Paligsahan
- Bagong Lipunan ng Crame
- South Triangle

Ipinatutupad din ang extreme enhanced quarantine sa Barangay Central dahil sa mga ospital sa East Avenue.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City,  nakapamahagi na sila ng 379,000 food packs as of March 24 at 11 p.m.

Inihayag din ng Quezon City na gagamitin ang Quezon City University bilang isa sa mga quarantine facilities para sa mga persons under investigation (PUIs).

Ginawa namang temporary sleeping quarters ang isang palapag ng Quezon City Hall para sa mga kawani nito na hindi kayang umuwi ng kanilang mga bahay. —FRJ, GMA News