Umabot na sa 4,076 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos itong madagdagan ng 206 katao na nagpositibo sa virus.

Inihayag din ng Department of Health (DOH) sa kanilang ulat nitong Huwebes, na nadagdagan ng 21 ang mga nasawi sa COVID-19 para sa kabuuang bilang na 203.

Sa kabila nito, sa ikalawang pagkakataon ay nahigitan ng bilang ng mga gumaling ang bilang ng mga nasawi.

Mula sa 96 listahan ng mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 nitong Miyerkules, umakyat na ito sa kabuuang bilang na 124 matapos na madagdagan ng 28.—FRJ, GMA News