Walompung  pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na lumamon sa 40 na kabahayan sa Parañaque City.

Sa ulat ng Unang Hirit nitong Huwebes, sinabing sumiklab ang sunog sa Barangay Don Bosco.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog, ayon sa mga awtoridad.

Wala na mang naiulat na nasaktan sa sunog.

Ngunit isang tao ang binigyan ng paunang lunas dahil tumakbo ito mula sa Quiapo hanggang Parañaque  nang malaman na nasunog ang kanilang bahay.  —LBG, GMA News