Dalawang lalaki ang natagpuang patay at nakaposas pa sa Katipunan Avenue sa Quezon City nitong Biyernes, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita.

Bukod sa nakaposas ay may mga tama rin ng bala ang dalawang bangkay.

Ayon sa isang barangay tanod, isang motorista ang nakakita sa mga bangkay at nag-report sa kanila pasado 2 a.m.

Nakadapa at may suot na pulang T-shirt at shorts ang isang bangkay, samantalang ang isa naman, na may 10 metro ang layo, ay may suot na puting T-shirt at pantalon.

May nakuhang dalawang ID mula sa mga bangkay.

Aabot sa 15 basyo ng bala ang na-recover ng SOCO sa lugar.

Ayon sa mga taga-barangay, hindi tagaroon ang mga biktima dahil walang nakakakilala sa mga ito. --KBK, GMA News