Namatay kalaunan ang isang senior citizen na hinimatay habang pumipila sa isang community pantry sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa 24 Oras News Alert nitong Biyernes, sinabi ng Task Force Disiplina ng Quezon City na pasado 2 a.m. pa pumila ang senior citizen.

Pero hinimatay ang biktima sa gitna ng siksikan ng mga dumagsang tao.

Hindi rin umano nasusunod ang physical distancing sa pila.—Jamil Santos/AOL, GMA News