Arestado sa Palawan ang tatlong magkakapatid na  suspek sa pagpatay umano sa isang tricycle driver sa Malabon City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing taong 2018 nang pagtulungan umanong saksakin ng magkakapatid na sina Mark Anthony, JanJan at Marlon Layson ang isang tricycle driver sa Brgy. Longos sa Malabon.

Nakaalitan umano ng isa sa mga magkakapatid ang tricycle driver kaya sinaklolohan ito ng dalawa niya pang kapatid.

Nadakip ang mga suspek noong ika-13 ng Agosto sa Taytay, Palawan, at inilipat  sa kustodiya ng Malabon Police nitong Martes.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga magkakapatid. —Jamil Santos/LBG, GMA News