Nagbabalik si “Star of the New Gen” Jillian Ward matapos ang ilang buwan niyang mental health break para sa kaniyang bagong series at upcoming concert.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ni Jillian na nilaanan niya ng oras ang sarili para magpahinga.

Dagdag niya, hindi niya hinayaan na magtagumpay ang stress at pressure sa kaniya na posibleng humantong sa burnout.

Kaugnay naman ng kaniyang pagbabalik-series, muling makakatrabaho ni Jillian si Marian Rivera sa prime video original na “Behind Closed Doors.”

Matatandaang huli silang nagkatrabaho ni Marian sa “Super Ma’am” noong 2017.

Samantala, gaganapin naman ang kaniyang unang concert sa Disyembre 8.

“Tuloy na po, December 8. Tuloy na tuloy na po talaga. Actually, masaya po kasi mas nagkaroon ako ng time pa to rehearse. Mas ready na po talaga ako this time. Kasi nakapag-self-reflect ako, nakapagpahinga ako. So, eto na, I'm back with a vengeance. I'm back with a vengeance?” sabi ni Jillian. – Jamil Santos/FRJ GMA News