Nagdiriwang ngayon ng kaniyang kaarawan ang Kapuso actress na si Carla Abellana. At sa pamamagitan ng Instagram, isang matamis na mensahe ang ipinost para sa kaniya ng nobyong si Tom Rodriguez.

Sa caption ng larawan nilang dalawa, inihayag ni Tom ang kaniyang wish para sa aktres, at maging ang wish niya na makasama ang dalaga na tinawag niyang "My Wonder Woman," sa paglalakbay nito sa buhay.

"To the most radiant soul I know who never ceases to inspire, amaze and endow me with a sense of awe and wonder...to MY Wonder Woman, I wish for you the fruition of all your passions and dreams," anang aktor.

Patuloy niya, "My wish for myself however is to be right beside you throughout this journey so I may bathe in your iridescent light and bear witness to all that you set out to do and all that I know you are infinitely capable of."

Sa pagwawakas, sinabi ni Toma na, "To my rock, and my heart...Happy happy birthday. May your heart be brimming with all the happiness it deserves. I love you!"

 

Muling mapapanood ang tambalan nina Carla at Tom sa bagong Kapuso series na, "I Heart Davao." -- FRJ, GMA News