Marami ang humanga at nagkomento sa larawan na ipi-nost ni Valeen Montenegro na naka-two piece bikini siya at kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Pero kasama sa napansin sa kanilang larawan ang kaniyang dibdib.

Sa comment section ng kaniyang Instagram post, kabilang sina Suzi Abrera at Lovely Albella sa mga nagkomento at nagpahayag ng paghanga sa magandang pangangatawan ng "Bubble Gang" babe.

"Wala namang ganyanan!," birong sabi ni Suzi.

"Inaano ka ba ga? Ang hot mo kasi," sabi naman ni Lovely.

Kabilang din sa mga nagkomento ang IG followers ni Valeen at may nagsabi na, "ito pala ang sinasabing zero body fat."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Summer in December ??

A post shared by Valeen Montenegro (@valeentawak) on

 


May dumugtong naman sa naturang comment at nagpahayag na, "bakit pati boobs nawalan ng fats, sorry for my comment."

Game naman itong sinagot ng aktres at sinabing kahit kailan ay hindi raw talaga siya nagkaroon ng taba sa dibdib.

Muling nagkomento ang netizen at nag-sorry muli kay Valeen at sinabing, "mas maganda sana kung medro may konti, but love kita kahit walang fats jan, lagi kita pinapanood sa bubble."

Sabi naman ni Valeen, "wala pong may kasalanan, wag ka po mag-sorry. And i love the way they are, i think they are perfect."

 

 

 

 


--FRJ, GMA News