Maituturing humble beginning ang pinagdaanan ng komedyanteng si Le Chazz, na nagsilbi munang "jester" at "hawi girl" ng audience bago naging co-host ng "Wowowin." Alamin kung ano ang ipinayo sa kaniya ni Willy Revillame para magtagumpay sa buhay.

Sa programang "Tunay Na Buhay" ni Rhea Santos, sinabing bago niya nakilala si Kuya Wil, nagtatrabaho na siya noon sa mga bar bilang singer sa edad na 16. Malaki rin ang pasasalamat niya sa "Eat Bulaga" dabarkads na si Allan K na nakadiskubre sa kaniya.

Nakilala naman siya ni Kuya Wil noong 2005 na agad naging interesado sa kaniya, at ginawa siyang celebrity guest. Hanggang sa alukan na siya nito na maging co-host noong 2011.

"Parang iba, buong mundo ang nanonood sa 'yo. Iba siya talaga. Parang kailangan perfect lahat ng galaw mo," ayon sa komedyante.

Ngayong nasa Kapuso Network na ang "Wowowin," tuloy pa rin ang pagpapasaya ni Le Chazz, na tila "sidekick" na ni Kuya Wil. Panoorin ang kaniyang kuwento.



--FRJ, GMA News