Nagdadalamhati ang "Pamilya Roces" star at animal welfare advocate na si Carla abellana sa pagpanaw ng kaniyang alagang aso.
Sa video na makikita sa Instagram account ng aktres, makikita na hindi matigil ang pag-iyak ni Carla sa pagpanaw ni "Sunny" nang dahil sa sakit.
Nito lang nakaraang buwan, humingi ng dasal si Carla matapos ma-confine si Sunny dahil sa aniya'y "multiple illnesses."
-- FRJ, GMA News